Monday, June 20, 2005

Batman Begins

Maganda ung movie pero sa tingin ko it could
have been better. Lalo na ung mga fight scenes.
masyadong magalaw ung camera. Isip ko baka ang gusto
nilang idea is yung viewers maramdaman talaga na andun
sila sa scene at nakikita nila 1st hand ung action.
Kaso ang nangyari, as a viewer, di mo mashado makita
kung ano nangyayari kasi nga ang galaw nung camera. At
saka me mga times na mejo dragging ung pacing ng story.
Kumbaga, for an action film, sana hindi sila
masyadong nag-dwell sa mga drama sa buhay. Puwede naman
ipakita ung depth ng characters without the characters
making monologues. Para tuloy Revenge of the Sith ang
naging dating. Pero mas nagustuhan ko itong movie na ito
kaysa Revenge of the Sith.

Pero oks ung trailer ng Harry Potter and the Goblet of Fire
na pinakita ha. Medyo bitin pero maganda. Tsaka oks din ung
trailer nung Charlie and the Chocolate Factory. Ang kulit
talaga ni Johnny Depp!

Magpapalit na naman ako ng
wallpaper. Lipat muna ako kay Johnny Depp.
Ngayon kasi si Brad Pitt wallpaper ko eh.