May nakalimutan pala ako ikwento nung Friday kaya bago ko simulan ang gala kwento ko ng Sunday eh babalikan ko muna ung Friday ….
Last Friday kasi nag-email sakin si Leni. Siya ung Pinay na friend at officemate ni Sonny na nag-tour sakin nung Monday sa City. Si Sonny naman ung kausap ko ngayon dito sa AIG para dun sa ginagawa ko dito. Pinoy din siya. Nung ni-invite ako ni Leni for lunch, sabi niya sabay daw samin si Ronald, another Pinoy friend and officemate nila dito. Si Ronald yung nag-suggest sakin ng trip to Mt. Buller. Nag-offer din siya na ito-tour nya ako ng Sunday. At siya nga ang naging tour guide ko nung Sunday kaya me pics na ako na andun ako! Yehey!
Actually, di ko alam na matutuloy kami last Sunday. Kasi nung last Friday ang usapan namin ite-text ko siya kung matutuloy ako ng Saturday sa Mt. Buller at kung tuloy kami ng Sunday. Eh ni-text ko siya last Saturday kaso di siya nag-reply so di ko sure kung na-receive nya. At di nga daw nya na-receive nung nagkita kami nung Sunday. Pero napag-usapan din namin na kung matutuloy kami eh dadaanan nya ako sa hotel ko ng 8am. Swerte na lang at maaga din ako gumising nung araw na yun kasi nga nabitin ako sa gala nung Saturday. After eating a hearty breakfast from the hotel's resto (shempre todo kain ako kasi free un tapos balak ko magpakapagod di ba?) eh naupo muna ako sa lobby at nagayos ng mga props ko, i.e. digi cam, sweater, scarf, etc. Aba at nagulat na lang ako at biglang tumabi sakin sa sofa si Ronald and ready to go na! Hehehe. Di daw nya na-receive text ko and inassume na lang nya na tuloy nga daw kami nung Sunday na un. Kaya ayun, tuloy ang gala …. (kala nyo kanina start na ng kwento ng gala noh?! Hehehe.)
Una namin pinuntahan eh yung St. Kilda beach. Un ung pinaka malapit na Beach dito sa hotel ko. Nag-tram kami papunta dun. White beach daw siya pero actually medyo cream colored ang sand nya at hindi white ….
O di ba! Beach siya pero balot na balot ako! Ang lamig kasi eh! And wag nyo na lang pansinin na parang ang taba ko sa pic … promise bulky lang ung suot kong panlamig! Hehehe. Ganda ng scarf ko noh? 2 toned yan, half-black and half-gray. And marunong na ko maglagay ng scarf! Bah akala nyo siguro madali lang maglagay nun, eh ako nahirapan nung una kong dating dito kasi di naman ako nag-scarf sa Pinas noh. So tiningnan ko pa mga nakikita kong mga tao dito kung pano nila nilalagay yung scarves nila … o pede na ba?! Hehehe.
Kung mapapansin nyo, maalon ung dagat sa likod ko. Ang lakas kasi ng hangin minsan dito eh! Imagine ang lamig na nga eh may malakas na hangin pa! so ang lamig lamig talaga minsan, brrr!!!
Naglakad kami along the beach hanggang makarating kami sa Luna Park.
Unfortunately eh 11am pa siya nago-open pag Sunday kaya di na kami nakaikot sa loob. Ang liit ng pic ko noh?! Mahilig kasi si Ronald kumuha ng pic na kita yung background in all its glory. Kaya ayun, ang siste maliliit ako sa mga pics. Hayy!!!!
Tapos lakad kami ulit papunta sa other side. Grabe! Nung napunta ako dito tsaka ko lang nalaman na kaya ko pala maglalakad ng buong araw! Ilang araw din na pamamasyal ko dito na puro lakad ginawa ko ha! Huh! Ako pa na gagastos na lang kesa maglakad ng malayo from PBCom to Landmark dahil malayo na sakin un!
Sa other side nung bach eh me St. Kilda Pier naman. Lakad lakad din kami dun.
Ung asa likod ko sa pic na ito sa itaas eh yung city sky line, kita nyo ung matataas na bldg? yan ung city. Para siyang SG in a sense na puro shopping malls at kainan dun. Kaso ang difference, sa taas ng mga bldgs na yan eh di lang office spaces. Marami din residential dyan, unlike sa SG na ang center eh puro malls at offices lang.
And pansin nyo ba na ang nakaalalay ako sa hair ko?! Pano ba naman kung hindi eh di na makikita mukha ko kasi ang lakas ng hangin! Ang hirap magpa-picture na maayos ang hair … kaya ayun tinali ko na lang hair ko.
Tapos balik kami city. Punta kami sa Flinders Train Station.
Sakay kami train papunta sa Williamstown, isang sikat na town din dito. So nakasakay ako ng tram at train dito. Yung bus na lang di ko nasasakyan … di ako nakasakay dun sa tourist bus! Para siyang free city tram pero iba naman iniikotan niya. Sayang!
At dahil napagod na kami ng kakalakad, nag-lunch na kami dun sa williamstown. Kumain kami sa La Porchetta.
Eto ang parang Pizza Hut or Shakey's nila dito. Para tong Nando's na maraming branches. Pero sa loob nito kami kumain kasi malamig sa labas eh.
After ng lunch eh nag-train ride ulit kami pabalik ng city para magpunta sa Smith St. sa Fitzroy.
Pero bago pa kami nakarating ng Fitzroy eh dumaan muna kami dun sa Royal Exhibition Bldg at Melbourne Museum kasi on the way naman. Although di na kami pumasok sa both building kasi kapos na sa oras eh.
Dito sa Royal Exhibition Bldg tumitira ang Queen of England pag napapadpad siya sa lugar na ito. Yang mga nakikita nyo na ruins, ung inuupuan ko, actual ruins yan from the buildings before dito sa Melbourne.
Onwards to Smith St. at Fitzroy! Andun yung mga factory outlet shops ng Nike, Addidas, Quick Silver, etc. Pero wala naman ako nabili para sa sarilli ko kasi tinitipid ko nga pera ko. Tsaka wala naman ako nakita na type ko.
After nun balik ulit kami sa city. Punta naman kami sa Melbourne Aquarium. Iniwan na ko dito ni Ronald kasi nakapunta na siya dito eh tsaka medyo mahal dito, A$ 25, so ako na lang mag-isa nagikot sa loob. Pero bago kami maghiwalay …