Monday, October 10, 2005

Kids say the darnest things

Some night last week, kila Tita Chris ako kumain ng dinner kasi pansit ulam nila. Eh medyo late na ko nakauwi so wala na ko kasabay kumain kaya kila Tita Chris na lang ako nakikain. Dahil me pagka-maarte itong si Tita Chris at ang anak nyang si Andrei, sa kuwarto pa nila kami kumain para daw naka-aircon kami. Tapos habang kumakain kami, nanonood kami nung telenovela sa channel 2 na Mga Anghel na Walang Langit.

Di bale dun sa scene na pinapanood namin, si Dodong, yung character na portrayed by a child actor na magaling at medyo healthy, eh sinasabi sa character played by Johnny Delgado na anak siya (si Dodong) nung character ni Johnny Delgado. Tapos sinabi ni Johnny Delgado na hindi puwedeng mangyari yun dahil baog daw siya.

Narinig yun ni Andrei at dahil 6 years old pa lang siya at hindi niya alam kung ano ibig sabihin nung baog, lumingon siya kay Tito Ando, na bagong dating lang nun, at nagtanong siya na "Daddy, ano yung baog"?

Eh si Tito Ando na siguro dahil pagod pa dahil galing sa paglalaro ng basketball at hindi pa kumakain ng dinner kaya gutom pa eh ang naisagot sa anak nya eh "Anak, ang ibig sabihin ng baog eh walang anak".

Biglang baling naman sakin itong si Andrei sabay sabing "Baog ka pala eh!" HAHAHAHA! Tawa kami ng tawa after nun. Tapos in-explain ni Tito Ando na ang ibig nyang sabihin eh ang mga baog eh mga taong hindi kayang magkaanak. Sabay sabi na rin na "Anak, wala pang asawa si Ate Eyen kaya wala siyang anak. Hindi siya baog."

Hehehe. Me topak talaga sa ulo ung pinsan ko na un! Hehehe.

No comments: