Howdy mates!
Ako po eh pinadala sa Melbourne, Australia para mag-investigate at analyze nung mga nae-encounter nilang problems dun sa software na supported namin. Saturday ng gabi ako umalis ng Manila. Ang 1st misadventure ko eh ang all the while ang nasa isip ko eh 10:30pm pa ang flight ko, instead of 8:05pm. So balak ko mga 5:30pm pa magpasundo sa bahay sa company service para 7:30pm asa airport na ko. Putik! Buti na lang me nakapansin sa e-ticket ko na 20:05 ang nakalagay na oras ng alis ko. Kaya ayun, sa awa ng Diyos eh nakarating naman ako ng on time sa Centennial airport.
Habang asa airport eh napansin ko na mas mahigpit na sila ngayon. Nung pumunta kasi kami Singapore at Boracay, ang security chuchu lang eh yung pag-xray ng bags sa gate mismo tsaka yung pag naka-check in ka na. Ngayon, just before ng boarding meron uling x-ray chuva ng mga bags. Yung iba nga nagrereklamo, para sakin naman oks lang kasi mas may security chuva eh mas safe ang feeling ko.
During the flight oki sana. May nakatabi ako na Aussie na gwapo! Papa-ble talaga ang dating. Kaso, amoy di naligo! Yuck! Kaya di ko na ni-landi, ni-try ko na lang matulog. Ang hirap pala matulog sa eroplano! Kahit anong pihit ko sa upuan ko di ako maging komportable. Pero dahil nga siguro sleeps like the dead ako, eh kahit papano nakatulog pa rin ako kasi medyo naalimpungatan ako at pinapakain na kami ng breakfast dahil malapit na kami mag-land. May mga alcoholic drinks sa plane kaso di ko alam kung me Bailey’s, gusto ko sana humingi kasi free. Kaso naisip ko baka naman bangag ako bumaba ng plane eh mahirapan ako hanapin ung susundo sakin. Tapos malala pa nun baka bossing pa susuundo sakin eh di kahiya naman di ba! Hehehe. Kaya naisip ko sa return flight na lang ako babawi sa paghingi ng Bailey’s, kung meron!
Mas maganda yung Singapore Changi Airport kaysa yung airport nila sa Melbourne. Parang NAIA or Centennial lang natin. Pag labas ko dun sa arrival area eh nahanap ko naman agad yung sundo ko. Taxi driver pala sundo ko na maghahatid sakin sa hotel. Putik ang lamig pag labas namin! Eh naka manipis na jacket lang ako nun kasi di ko naman expect na ganun kalamig dito tsaka dun kasi sa plane di naman ganun kalamig. Tapos, ang mahal ng taxi fare ko!!!! Huhuhu. Yung isang araw na per diem ko dun lang napunta sa taxi fare ko! Buti na lang at sabi sakin na reimbursible naman daw ang taxi fare.
Since early Sunday morning ako dumating, pagka-check in sa hotel at pagka-hang ng mga damit ko eh rumampa na ako! Inikot-ikot ko ung area dito malapit sa hotel ko. Sa Bayview on the Park ako naka-check in. Dami parks na malapit dito so nakapunta ako dun sa Fawkner Park at Albert Park. Pero di ako masyado nakapag tagal sa Albert Park. And sayang at di na ako nakabalik dun, balak ko sana mag-picture picture dun s alake area. Nung mga last days ko kasi dun eh medyo naging busy na at di na ko nakakaalis ng maaga sa office so di na ko nakaikot malapit dun sa hotel ko.
Speaking of picture picture, habang nagiikot ako at napi-picture ng mga buildings (o di ba pati buildings ni-picture-an ko!) eh nahulog ko digi cam ko!!!! Huhuhu. Badtrip! Nasira clasp nung battery. Nagagamit ko pa naman pero medyo mairap lang hawakan. At saka di na ko pwede mag-timer kasi dapat laging hawak ung sa may battery. Dapat ita-tape ko siya kaso di pa ko nakakabili tape tsaka parang medyo nakakahiya kasi low tech na nga camera ko (2 megapixels lang) tapos may tape pa di ba!?! Habang mga tao dun eh ang techy ng mga cam. Hay! Isip ko nga bumili na lang ng digi cam fun eh kaso la pa ako nakita na mga digi cams so di ko natantya kung medyo mura ba para ica-card ko na lang.
Tapos nung 1st day ko sa office dun, nung Monday, swerte! Wala yung bossing! So medyo email email pa ako nung Monday. Pero medyo madami na rin ginagawa kasi may daily status report ako sa boss ko sa Manila eh kakahiya naman kung wala man lang akong mapakitang output di ba? Tapos another swerte kasi may Pinay dun sa office na super bait! Nag-offer siya na i-tour ako sa city after office para medyo ma-familiarize ako dun sa city pag gumala na ako. Grabe dami namin nilakad! Bait bait nya. So now medyo familiar na sakin ng konti ung city. Tapos bait pa nya kasi tinuro nya sakin paano sumakay ng Trams (yung parang MRT nila dito pero 1 car lang tsaka nasa kalsada lang) tsaka pinautang muna nya ako pera kasi di na namin inabutan bukas ung money changer na mura. Yung mga money changers pala kasi dun may commission. Eh yung tinuro nya sakin eh walang commission. 11pm na ko nakabalik ng hotel room ko.

Tapos kanina pumasok na yung bossing dito. Swerte na naman kasi cool naman pala siya. So di kasing hectic ng nie-expect ko ang ginagawa ko dito. Pero nagtra-trabaho pa rin ako ng matino kasi ayoko naman mapahiya ako, di kaya ng pride ko! Hehehe. May another blooper na naman ako kanina! Kasi me ipapapadala na chocolates yung isang kasama naming pinoy dito sa mga taga-Manila. Eh nakalimutan ko sa office! Naalala ko na nung papunta na ako ng city para magpapalit ng pera at saka para mag-ikot ulit. Hay! Kinabahan nga ako kasi baka mawala sa office eh patay ako kasi papalitan ko ung chocolates na yun pag nagkataon. Eh di bawas pa sa budget ko un di ba? Kaya binalikan ko pagkagaling ko ng city. Buti na lang, mabait yung gwapong security guard at pinayagan ako na umakyat ulit para kunin. As in ung security ID pa nya pinagami nya sakin ha! O di ba?! Gwapo na mabait pa!
Ay naku grabe ang daming gwapo dito! Kung pwede lang maguwi ng konti para sakin at sa mga gurly friends ko maguuwi talaga ako eh! Sila na lang gagawin kong souvenirs at pasalubong! Hahaha.
Till next kwento, bow!
PS: Will edit this post to include some pics as soon as I am able to transfer the pics from my office PC to my home PC.
2 comments:
Tagal naman ng update!
Sigh, so many things (some very sad, some quite happy, some just weird) happening lately, I haven't even had time to finish (but I already started) the post that you tagged me on, the 6 weird things. O diba, August pa yun! Waaah. I thought I had a lot of extra time but apparently I also found a lot of things to do.
ang tagal ba?! hehehe. sensya na, di ko pa kasi na-copy from my office pc yung pics eh.
Post a Comment