Nagmamadali ako bumalik sa hotel room ko from the office kasi hinahabol ko na bukas pa ung Halftix na store sa city. Store siya na nagbe-benta ng mga shows/tours na malapit na ganapin, like show for that night at 8pm pede mo mabili ng discounted. Till 6pm lang open ung store, tulad ng karamihan ng shops dito pag weekdays except fri. Balak ko sana na magpunta ng Mt. Buller, may snow dun at lifts na parang cable car. Kaso wala na daw ino-offer na ganun sa Halftix.
Sakto naman na pag labas ko ng store eh may lalaki na parang nagaabang sa labas (pero sabi nya afterwards di raw siya nagaabang, hinihintay nya lang daw ako lumbas. Hay naku Leah ha!). Mejo naalangan ako sa kanya kasi bigla na lang nya ako kinausap. Yun pala, siya pala yung hubby nung officemate ko dati sa Headstrong. Robert name nya, hubby ni Leah. Na-kwento kasi ni Leah sa kanya na asa Melbourne nga ako. Nakasalubong na daw nya ako at dahil konti nga lang daw pinoy dun, naisip nya na baka ako nga daw ung niku-kwent ni Leah sa kanya. Sabi ko nga sa kanya Leah, mestiza ako! So paano nya naisip agad na pinoy ako di ba?! Hehehe. Baka kelangan na ng new glasses ng hubby mo Leah?! :D
May ni-contact si Robert na friend nya na officemate daw dati ni Leah, si Jo (o Joe ba spelling)? Naka-kwentuhan ko din siya. Officemate pala siiya dati ni Leah at Jenny, another former officemate in Headstrong, sa UOB.
September 22
Maaga sana akong gigising para makagala. Kaso ang lamig! Ang sarap matulog! Kaya late na ako naabangon at nakapag-asikaso para gumala. Tapos syempre nag-breakfast pa ako ng marami kasi libre yun at kelangan ko mag-ipon ng lakas dahil madami akong balak puntahan ng araw na un.
1st stop is the Shrine of Remembrance.
Old building na siya na sabi eh naging libingan ng mga heroes nung WWI and II. Etong structure na to eh asa gitna ng isang park. Di ko sure kung pwede pumasok sa loob nito eh kasi nung araw na yun parang sarado siya kasi walang tao.
2nd stop: Royal Botanical Garden
Ang laking park nito! Ang dami niya sections kaso since start pa lang ng spring eh di pa masyado namumulaklak ang mga halaman dito. Konti lang naikot ko kasi kakapagod ikutin ung buong place eh, masyado siyang malaki.
3rd stop: Victoria Market
Dito ang bilihan ng fresh fruits at souvenirs ng Melbourne. Para tong Divisoria na medyo mas malinis at maayos lang. Dito ko namili ng halos lahat ng pasalubong ko.
Nagikot-ikot muna ako dun sa buong market para magkaroon ako ng idea how much binebenta mga prodcts dun. Tapos nung napagod na ko, nag-lunch muna ako sa Nando’s, sikat na resto dito sa Melbourne. Madaming branches na akong nakikita nito dito. Parang chicken inasal style nung luto nila tapos meron silang sauce na ang tawag nila ay peri-peri na merong range of hotness (me ganung word ba?!).
After ko mag-lunch, nagpunta ako dun sa isang tindahan na nakita ko medyo mura ung mga stuffed toys na magandang pasalubong sa mga bata kong pinsan. Ambait nung Indonesian guy na may ari! Lahat ng binili ko me discount. Dun ko rin binili ung mga caps, bags at yung ethnic rain maker na house décor. Lahat yun may discounts! Partida mura na nya binebenta compared dun sa ibang shops tapos may discount pa. Sabi nya may friend daw kasi siya na Chinese na nagpro-provide sa kanya nung mga stuff na binebenta nya ng mura kaya nabebenta nya rin ng mura. At saka mas nagco-concentrate daw siya sa pagbenta nung mga mahal na products nya, na hindi ako bumili kasi mahal talaga!
After nun sinamahan pa nya ako sa Vietnamese friend naman nya na nagbebenta ng shirts. Sabi ko kasi sa kanya bibili rin ako shirts. Sabi nya dun sa Vietnamese, mag-kamaganak kami para daw bigyan din ako discount nung Vietnamese. And what do you know, may discount nga rin ako! Hehehe. Swerte ko dun ako napadpad sa shop nung Indonesian na yun.
4th stop: Free City Tram
Dapat punta pa ako Melbourne Zoo para makakita naman ako ng kangaroo at koala. Kaso wala ng time eh, hanggang 5pm lang ung Zoo eh past 3pm na ko natapos sa Victoria Market tapos medyo malayo pa yung Zoo. Kaya balik na lang ako sa City at sumakay na lang ako nung free city tram. Sayang nga di ko nakuhanan ng pic ung free city tram eh! Yung trams eh yun ung parang mrt nila dito.
Yung free city tram, tram siya na umiikot sa city. May sound system sa loob na nagku-kwento ng mg historical facts nung mga buildings na dinadaanan or nagde-describe nung mga shopping malls. Para siyang tour guide. Fortunately na naman eh me nakatabi ako na 3 girls dun sa tram Yung 1 girl, nito-tour nya ung 2 ang girl. Kaya parang me tour guide din akong kasama.
5th stop: Federation Square and Yarra River
Pagkababa ko ng tram sa Flinders St., nagikot-ikot naman ako dun sa Federation Square nila at dun sa gilid ng Yarra river. Yung Federation Square, yun yung parang Luneta nila.
Along the Yarra River naman eh may parang open area na parang carnival and concert place. Mala-UP Fair ba. Merong malaking ferris wheel tapos may stage na merong DJ na nagpe-perform. Ang daming tao sa loob! Inisip ko nga pumasok para ma-experience ko naman gimik dun kaso isip ko baka magkagulo dun eh. Malakas kasi uminom mga tao dito, maski sa loob nung parang carnival me mga beer and legal un kaya di na ko tumuloy. Naglakad-lakad na lang ako along Yarra River.
Medyo nawala pa ako dahil sa kakalakad ko. Ang haba kasi nung Yarra River, so pag dating ko sa dulo ayoko ng bumalik di ba?! Ang layo na nung nilakad ko eh! Ginawa ko nag-try ako maghanap ng tram station sa may dulo. Eh wala na pala dun, mga taxi na lang dumadaan dun. Ayoko naman mag-taxi at mahal tsaka sayang naman ung daily ko na Metcard na good for the whole day. Metcards kasi tawag nila dun sa card nila for the trams, trains and buses dito. Parang yung cards sa SG din. Pero sa SG yata parang stored value siya kaya pwede rin sa taxi. Dito kasi for bus, trams and trains lang siya. At saka more of time length ang basehan nung Metcards. Pwede ka bumili ng Metcard na good for 2 hrs, ride to sawa un for 2 hours. So yung daily ko eh un lang ginamit ko sa buong paggala ko nung Saturday.
Anyway, going back sa kwento ko. Ayun so wala ako mahanap na tram station so lakad lakad ulit ako hanggang sa may nakita ako na sign na papunta sa tram station. Napadpad pala ako sa mga stadium nila. Nadaanana ko ung Rod Laver Arena, Olympic Arena at Vodafone Arena. Dito daw ginaganap ung mga sports events dito. Melbourne kasi is the sports capital of Australia. Adik sila sa sports dito!
Again, dito na muna ang kwento. Maghahanap pa ako ng copy nung chapter 3 na ni-email ko kung kani-kanino. Unfortunately eh di ko pala na-emailsa sarili ko ung chapter 3 ko na kwento. At saka iu-update ko pa tong entry na to to include some of the pics I took while wandering around the city.








